Skip to main content

SUN Bucks/Summer EBT Halimbawang Liham sa Mga Pamilya na Awtomatikong Kwalipikado

Halimbawang sulat para sa mga estado, Tribo, at teritoryo na ibabahagi sa mga paaralan para sa pamamahagi sa mga sambahayan na may mga bata na awtomatikong kwalipikado at hindi kailangang mag-apply. Ang teksto na nangangailangan ng pagpapasadya ay ipinahiwatig sa bold sa loob ng mga bracket.


[Pangalan ng Distrito ng Paaralan at Logo]

[ID # ng Sambahayan_________]

Minamahal na [Pangalan ng Magulang o Tagapag-alaga]:  

Si/Sina [(mga) Pangalan ng (mga) Bata] ay karapat-dapat para sa isang bagong programang tinatawag na [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks], na tumutulong sa mga pamilya na bumili ng pagkain sa panahon ng tag-init kapag walang pasok. Si/Sina [(mga) Pangalan ng (mga) Bata] ay awtomatikong itatala sa programa, kaya hindi mo kailangang mag-apply.  

Dapat awtomatiko mong matanggap ang [baguhin: $120 para sa bawat karapat-dapat na bata sa isang kard, makatatanggap ng tatlong hulugan ng $40, atbp.] na magagamit mo upang bumili ng pagkain sa panahon ng tag-init sa mga tindahan ng groseri, merkado ng mga magsasaka, at ibang awtorisadong mga tagatingi.  

Ang [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] ay [baguhin: ipapadala sa iyo, ipapadala sa iyong kasalukuyang kard] sa [ilagay ang petsa]. Ang mga benepisyo sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] ay magagamit sa [ilagay ang petsa ng paglabas], at dapat gamitin bago ang [ilagay ang petsa ng pagpawi], at pagkatapos ay hindi na magagamit ang mga benepisyo.  

Kung nagbago ang iyong address sa taong ito [baguhin: tiyaking baguhin ito sa iyong distrito ng paaralan o sa ahensiyang naglalabas ng benepisyo] upang matiyak na ang kard sa benepisyo ay maipadala sa tamang address. Kung hindi mo matanggap ang iyong [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks], tiyaking napapanahon ang iyong address sa [baguhin: ilagay ang proseso para sa pagbabago o pagtitiyak ng mga address].

Kung hindi mo gustong lumahok sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks], [baguhin: magbigay ng mga tagubilin kung paano hindi sumali]

Kung makatatanggap ka ng higit sa $120 [baguhin ang halaga sa dolyar kung kinakailangan] para sa bawat karapat-dapat na bata, huwag gamitin ang sobrang pondo. Makipag-ugnayan sa [ilagay ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa Summer EBT/SUN Bucks] upang kumpirmahin o iwasto ang pagkakamali.  

Karagdagan sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks], ang mga batang wala pang 18 taong gulang sa iyong sambahayan ay maaari ring tumanggap ng libreng pagkain sa panahon ng tag-init sa isang lugar ng pagkain sa tag-init. Maaari kang tumawag sa 1-866-3-HUNGRY o sa 1-877-8-HAMBRE (o mag-text sa 914-342-7744 gamit ang keyword na “summer meals”) upang humanap ng lokasyong pinakamalapit sa iyo.  

Kung mayroon kang mga tanong, maaari kang makipag-ugnayan sa [ilagay ang numero ng serbisyong pang-kustomer ng ahensiya sa Summer EBT/SUN Bucks].  

Taus-puso,  

[Pangalan]  

[Titulo]  

[Ahensiya] 

Na-update ang pahina: Pebrero 25, 2025