Skip to main content

Mga Artikulo sa Newsletter ng SUN Bucks: Long-form

Halimbawang Newsletter Blurb para sa mga organisasyon (hal., mga paaralan, imbakan ng pagkain, grupong tagataguyod) na nakikipagtulungan sa mga pamilyang may mga bata na kwalipikado sa Summer EBT/SUN Bucks.

[ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks]: Ang [ilagay ang Estado/Teritoryo/pangalan ng ITO] ay Nag-aalok ng Bagong Programa upang Mapabuti ang Access sa Pagkain para sa mga Bata sa Panahon ng Walang Pasok sa Tag-init

Ngayong tag-init, ang [ilagay ang Estado/Teritoryo/pangalan ng ITO] ay mag-aalok ng [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks], isang bagong programa sa benepisyo sa groseri na magbibigay sa mga pamilya ng $120 [baguhin ang halaga ng dolyar kung kinakailangan] para sa bawat karapat-dapat na batang nasa paaralan upang makabili ng mga groseri kapag walang pasok. Ang tag-init ay isang panahon kung kailan maraming bata ang nawawalan ng libre at abot-kayang pagkain na nakukuha nila sa paaralan, at maaaring wala silang access sa regular na pagkain. Karamihan sa mga bata ay awtomatikong makakukuha ng mga benepisyong ito, ngunit ang ilang mga magulang ay kakailanganing mag-apply. Ang bagong programa ay karagdagan sa libreng mga pagkain na maaaring makuha ng mga bata sa lahat ng edad sa mga lugar ng pagkain sa tag-init sa kanilang mga komunidad.

Mga benepisyo ng [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks]

  • Tumutulong sa mas maraming bata na makakuha ng access sa masustansyang pagkain sa tindahan ng groseri.
  • Nagbibigay ng kakayahang pumili ng sari-saring pagkain.
  • Nagpapabuti ng seguridad sa pagkain at kalidad ng diyeta para sa lumalahok na mga bata.

Pagiging Karapat-dapat

Ang mga bata ay karapat-dapat sa programa kung:

  • ang sambahayan ay lumalahok na sa [baguhin: SNAP, FDPIR, TANF, atbp.], O
  • ang bata ay dumadalo sa paaralan na nag-aalok ng Pambansang Pananghalian sa Paaralan o Programa sa Agahan sa Paaralan at ang kita ng sambahayan ay tumutugon sa mga kinakailangan para sa libre o pinababang-presyo na mga pagkain sa paaralan.

Pagpapatala

Maraming bata ang awtomatikong makakukuha ng [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] kung sila ay nakakukuha ng ibang mga benepisyo, ngunit ang ilang pamilya ay maaaring kailangang mag-apply.

  • Kung lumalahok na ang sambahayan sa [baguhin: SNAP, FDPIR, TANF, atbp.], awtomatiko silang itatala sa programa sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks]. Hindi kailangang kumpletuhin ng mga sambahayan ang isang aplikasyon.
  • Kung ang sambahayan ay hindi awtomatikong nakatala at ang bata ay maaaring karapat-dapat, maaari silang makakuha ng [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang simpleng aplikasyon.

Upang malaman ang higit pa tungkol sa pagkumpleto ng isang aplikasyon, makipag-ugnayan sa [ilagay ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa Summer EBT].

Paano Gumagana ang [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks]

Ang mga benepisyo ay [baguhin: idaragdag sa kard sa EBT, ibibigay sa hiwalay na kard sa EBT, atbp.] at maaaring gamitin upang bumili ng mga goseri. Makatatanggap ng humigit-kumulang $120 [baguhin ang halaga ng dolyar kung kinakailangan] ang mga pamilya sa bawat karapat-dapat na bata sa tag-init. Ang mga benepisyo ay maaaring gamitin sa awtorisadong mga magtitingi, tulad ng mga tindahan ng groseri at merkado ng magsasaka, upang bumili ng masustansyang pagkain tulad ng mga prutas, gulay, karne at ibang mga mapagkukunan ng protina, buong butil, at produktong gatas. Mag-click dito [ilagay ang website] upang malaman ang higit pa.

Tulungan ang mga Bata sa Iyong Komunidad

[baguhin batay sa iyong komunidad – halimbawang mga pagkilos sa ibaba]

  • Ikalat ang balita sa iyong komunidad! Ipaalam sa mga sambahayan ang tungkol sa programa sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] at kung paano makatanggap ng mga benepisyo para sa kanilang mga anak.
  • Hikayatin ang mga pamilyang may mga bata na awtomatikong matatala na tiyakin na ang kanilang address sa koreo ay napapanahon. [baguhin: Ilagay ang link sa karagdagang impormasyong sa kung paano baguhin ang address]
  • Sabihin sa mga pamilyang may mga bata na awtomatikong nakatala na [baguhin: abangan ang kanilang kard sa koreo; o abangan ang pagtaas ng balanse sa kanilang kasalukuyang kard].
  • Hikayatin ang mga pamilya na maaaring may karapat-dapat na mga anak na mag-apply. [ilagay ang website/link sa pahina ng paano mag-apply]
  • I-alerto ang mga pamilya na kumpletuhin ang aplikasyon dito [ilagay ang link upang mag-apply sa Summer EBT/SUN Bucks], at ihanda ang [baguhin: ilagay ang listahan ng kinakailangang impormasyon sa aplikasyon tulad ng pangalan ng distrito ng paaralan, buwanang kita, atbp.] sa pag-apply.

Ang mga bata at kabataan ay kailangan ng masustansyang pagkain buong taon upang maglaro, lumaki, at matuto. Tutulong ang [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] sa mga pamilya na makabili upang mabigyan ang kanilang mga anak ng sustanysa na kailangan nila upang lumusog sa tag-init. Bumisita sa [ilagay ang website] upang malaman ang higit pa tungkol sa kapana-panabik na bagong programa. Sama-sama, maaari nating gawing mas maliwanag ang tag-init para sa ating mga anak.

Na-update ang pahina: Pebrero 27, 2025