Halimbawang liham para sa mga estado, Tribo, at teritoryo na ibabahagi sa mga paaralang kalahok sa NSLP para sa pamamahagi sa mga sambahayan na may mga bata na hindi awtomatikong kwalipikado at kailangang mag-apply. Ang teksto na nangangailangan ng pagpapasadya ay ipinahiwatig sa bold sa loob ng mga bracket.
[Pangalan ng Distrito ng Paaralan at Logo]
[ID # ng Sambahayan_________]
Minamahal na [Pangalan ng Magulang o Tagapag-alaga]:
Kung ang iyong sambahayan ay mas mababa sa 185% ng pederal na lebel ng kahirapan [baguhin: ilagay ang link o idagdag ang tsart ng kita sa likod ng sulat na ito], si/sina [pangalan ng (mga) bata sa iyong sambahayan] ay maaaring karapat-dapat para sa isang bagong programa na tinatawag na [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks].
Ang lumalahok na mga pamilya ay tatanggap ng [baguhin: $120 para sa bawat karapat-dapat na bata sa isang kard, tatlong hulugan ng $40, atbp.] na magagamit mo upang bumili ng pagkain sa panahon ng tag-init sa mga tindahan ng groseri, merkado ng mga magsasaka, at ibang awtorisadong mga tagatingi.
Kung sa tingin mo ay karapat-dapat ang iyong mga anak, maaari kang makakuha ng [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang simpleng aplikasyon. Upang mag-apply para sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] [baguhin: Ilagay ang proseso at impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa aplikasyon]. Tiyaking mag-apply bago ang [ilagay ang petsa] upang makakuha ng mga benepisyo ngayong tag-init. Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng aplikasyon, o kung may mga tanong ka, makipag-ugnayan sa [ilagay ang estado/operasyon ng ITO: numero ng serbisyong pang-kustomer, atbp.].
Kakailanganin mong ibigay ang pangalan ng iyong anak, paaralan, petsa ng kapanganakan, kasama ng mga pangalan ng ibang tao sa iyong sambahayan, kita ng iyong sambahayan, at address kung dapat ipadala ang kard sa benepisyo. Hindi mo kailangang magbigay ng anumang dokumentasyon upang mag-apply.
Kung makatanggap ka ng higit sa $120 [baguhin ang halaga ng dolyar kung kinakailangan] bawat karapat-dapat na bata sa iyong sambahayan, huwag gamitin ang mga benepisyo. Makipag-ugnayan sa [baguhin ilagay ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa Summer EBT/SUN Bucks] sa lalong madaling panahon upang kumpirmahin o iwasto ang pagkakamali.
Karagdagan sa [ilagay ang Summer EBT/SUN Bucks] ang mga batang wala pang 18 taong gulang sa iyong sambahayan ay maaari ring tumanggap ng libreng pagkain sa panahon ng tag-init sa isang lugar ng pagkain sa tag-init. Maaari kang tumawag sa 1-866-3-HUNGRY o sa 1-877-8-HAMBRE (o mag-text sa 914-342-7744 ng keyword na “summer meals”) upang humanap ng lokasyong pinakamalapit sa iyo.
Kung mayroon kang mga tanong, maaari kang makipag-ugnayan sa [ilagay ang numero ng serbisyong pang-kustomer ng ahensiya sa EBT sa Tag-init/SUN Bucks].
Taus-puso,
[Pangalan]
[Titulo]
[Ahensiya]